Wednesday, July 15, 2020

Masyang Parini sa KainKem blog!

Bagamat ang blog na ito ay bago, ang Kainkem ay pagpapatuloy lang ng mas nauna kong food blog na Kusinakem na dahil sa aking kapabayaan ay na lock out ako at hindi ko na ma access. Pero ok, lang. Kung hindi makapasok doon, e di gumawa ng iba at unti unti ilipat ang mga nilalaman ng blog na yon dito.

Naisip kong gawin ang Kusinakem/Kainkem dahil mahilig ako sa masarap na pagkain at naniniwala ako sa  mahalagang ginagampanan ng science para sa matagumpay na pagluluto. 

Sa kusina, walang himala pero meron science. Dahil dito, mahusay na gamitin ang kusina upang ituro at palaganapin ang kaisipang scientipiko sa mga karaniwang tao na walang masyadong muwang dito.

Bukod rito, naniniwala din ako na upang ma-iangat ang lutuing Pilipino, kailangan maunawaan ng mga nagluluto kung anong proseso ang ginagawa nila sa pagkain habang sila nagluluto.

Hindi ako siyentipiko kaya pahapyaw lang din ang aking maibabahaging kaalaman. Ngunit umaasa ako na makahikayat ng mga siyentipiko at iba pang mga panauhin na magbahagi ng kanilang kaalaman. Sisikapin ko rin na bigyan puwang dito ang mga nasa linya ng pagkain at pagluluto ang kabuhayan. Bukod rito, balak ko din na magpost nang mga recipe na sa aking palagay ay maaaring magamit sa kabuhayan.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang mararating ng blog na ito at kung may sasang-ayon sa aking adhikain. Pero hangad ko lang na sa maliit na paraang ito, ay makatulong ako sa pagpapaunlad ng ating food culture at kung saan maaari ay makatulong din sa ating mga kababayan.

Sa pagsulat ng blog na ito, naipasya ko na wikang Pilipino ang gamitin hanggat maaari hindi lang
upang abutin ang mas nakararami sa ating mga kababayan kundi tiyakin na kung may maibabahagi man akong kapaki-pakinabang ay matiyak na ang makikinabang nito ay ating mga kababayan.

No comments:

Post a Comment

gelatinized fruti jam

 mango, banana, cantaloupe, buko, strawberry